Nanindigan ang DOTr, LTFRB at MMDA na panatilihin ang Window Hours Scheme para sa mga provincial bus na maglalabas-masok sa Metro Manila.
Ito ang napagkasunduan ng tatlong nabanggit na ahensya matapos ang kanilang isinagawang pulong, noong Miyerkules.
Sa ilalim ng programa, tuwing alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga lamang maaaring gamitin ng mga bus operator ang kanilang mga terminal sa Metro Manila.
Gayunman, kailangang gamitin ng mga provincial bus ang mga integrated terminal sa labas ng Window Hours.
Magugunitang nagkalituhan noong isang linggo nang limitahan ng mga provincial bus ang kanilang biyahe upang makaiwas sa Window Hours Scheme na nagresulta naman sa napakahabang pila ng mga pasahero sa mga terminal.