Pinababasura ng isang Partylist Solon ang bagong ipinatutupad na window hours scheme para sa mga provincial bus terminals.
Inihayag ni assistant minority leader Arlene Brosas, dapat unahin ng transport officials ang kapakanan ng mga byahero at itigil ang bagong pasakit para sa commuters.
Hinimok nito ang LTFRB, at MMDA na ikonsidera ang sitwasyon ng mga ordinaryong komyuter na stranded sa provincial bus terminals sa ngayon o ‘di kaya ay gumagastos ng karagdagan para lumipat sa malayong designated terminal.
Bukod dito, iginiit din ng Gabriela Partylist Solon na nalalagay rin sa panganib ang mga kababaihang mapipilitang magbiyahe palabas at papasok ng Metro Manila sa madaling araw.