Nilampaso ng Boston Celtics ang Houston Rockets sa kanilang naging paghaharap kahapon sa iskor na 99 – 98.
Naging susi sa pagkapanalo ng Celtics ang hook shot ni Al Horford gayundin ang hustle play ni Marcus Smart sa tinaguriang comeback win ng Celtics sa NBA.
Bumida din si Kyrie Irving na nakapagbuslo ng 26 puntos na sinundan naman ng 19 na puntos ni Jayson Tatum.
Samantala, nagtala namang double – double si James Harden para sa Rockets na nakapagbuslo ng may 34 na puntos at 10 assists.