Buhay pa rin ang winning streak ng Barangay Ginebra.
Ito’y matapos magpakita ng bangis ang Gin Kings sa fourth quarter dahilan upang matalo nila ang Blackwater Elite sa score na 98-81.
Dahil dito, nasungkit ng koponan ang kanilang ika-pitong sunod na panalo sa 2017 Oppo PBA Governors’ Cup sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Sa isa pang laro, matapos mabasag ang losing streak ng Alaska laban sa San Miguel Beermen, nakapagtala ng isa pang panalo ang Aces nang pataubin nila ang GlobalPort Batang Pier sa score na 101-88.
Si Ladontae Henton ang nanguna sa Alaska taglay ang kanyang 36 points, kasama na rito ang 21 rebounds at six assists.
Kumamada rin si Jvee Casio ng 11 markers habang nagdagdag naman ng 12 points si Calvin Abueva na pareho nilang nagawa sa fourth period.
AR / DWIZ 882