Pormal nang binuksan ang Winter Olympics sa South Korea na aarangkada hanggang Pebrero 25.
Ginanap ang opening ceremony sa Pyeongchang Olympic Stadium na may kapasidad ng tatlongpo’t limang libo (35,000) katao kung saan ipinarada din ang bandila ng Pilipinas.
Magiging pambato ng bansa si Michael Martinez sa figure skating habang bibida si Asa Miller sa alpine skiing.
Nakalatag ang labing limang (15) sports at pag-aagawan ng mga atleta ang isandaan at dalawang (102) medalya sa Winter Olympics, ang itinuturing na pinakamalamig sa kasaysayan.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakipagkamay naman si South Korean President Moon Jae-in kay Kim Yo Jong, ang kapatid na babae ni North Korean Leader Kim Jong-un.
Samantala, iniulat din ng Yonhap News Agency na halatang nag-iwasan sina US Vice President Mike Pence at Kim sa naturang event.