Napaaga ang pagdating ng winter o panahon ng taglamig sa South Korea.
Nitong Miyerkoles nagsimula nang umulan ng niyebe sa naturang bansa.
Sa post ng Korean Tourism Organization, ipinakita ang pag-ulan ng snow sa Seoraksan National Park.
Sinasabing 16 na araw na mas maaga ang winter ngayon kumpara nuong nakaraang taon.
Kalimitan kasing Nobyembre pa nararanasan ng mga taga Korea ang pag-ulan ng niyebe.