Magaganap mamayang alas-6:02 ng gabi ang pinakamahabang gabi ng taong ito.
Ito ang tinaguriang Winter Solstice na nangyayari kapag ang araw ay nasa pinakamalayo sa katimugang bahagi ng equator o nangangahulugang nakumpleto na nito ang isa pang taunang pag-ikot nito sa mundo.
Sa northern hemisphere, ang nasabing kaganapan ay hudyat ng pagsisimula ng Winter; samantalang sa southern hemisphere, kung saan naroon ang Australia at New Zealand ay hudyat naman ito ng pagsisimula ng Summer.