Tila winner na ang pakiramdam ni Winwyn Marquez matapos makakuha ng ilang special awards sa Reina Hispanoamericana pre-pageant activities.
Nakuha ni Winwyn ang Miss Ipanema sa ikalawang Gala de Belleza o Gala of Beauty kung saan lumutang ang ganda ng aktres sa isang special video kasama ang kaniyang mga kapwa candidates.
Nag first runner up pa si Winwyn sa Miss Personalidad Udabol Competition na isang question and answer category.
Our Reina is really winning the hearts of the Latin community! She was awarded as 1st Runner Up for Miss Personality! ##reinahispanoamericana #teamAcesandQueens A post shared by Aces & Queens (@aces_and_queens) on
Pasok din si Winwyn sa Top 3 para sa Miss Silueta Philips o Miss Silhouette Philips at Best Traditional Costume kung siya ang Pintados Warrior Queen.
Ipinakita rin ni Winwyn ang pagiging athletic niya at pumasok sa Top 5 para sa Miss Deportas Patra at Best Smile.
Isasagawa sa Nobyembre 4 ang coronation night ng 2017 Reina Hispanoamericana .