Kinoronahan si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017.
Si Winwyn ang kauna-unahang Pilipina na sumali at manalo sa nasabing patimpalak kung saan ay mas numaig ang likas na ganda at talento ng dalaga laban sa 26 pang kandidata.
Matatandaan na sa una pa lang ay humakot na ng special awards si Winwyn.
Nakuha ni Winwyn ang Miss Ipanema sa ikalawang Gala de Belleza o Gala of Beauty kung saan lumutang ang ganda ng aktres sa isang special video kasama ang kaniyang mga kapwa candidates.
Nag first runner up rin si Winwyn sa Miss Personalidad Udabol Competition na isang question and answer category.
Pumasok din si Winwyn sa Top 3 para sa Miss Silueta Philips o Miss Silhouette Philips at Best Traditional Costume kung saan siya ang Pintados Warrior Queen.
Ipinakita rin ni Winwyn ang pagiging athletic niya at nakapasok sa Top 5 para sa Miss Deportas Patra at Best Smile.
Si Winwyn ang anak na babae ng mga beteranong aktor na sina Joey Marquez at Alma Moreno, at ang pamangkin ni dating Miss International Melanie Marquez.
Ginanap ang coronation night noong Nobyembre 4.