Isang araw lamang nanatili sa bansa ang dating board member ng German payments company na Wirecard.
Ayon ito kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na nagsabing si Jan Marsalek ay dumating sa Pilipinas nitong nakalipas na Martes at umalis din kinabukasan pa China mula sa Cebu City.
Gayunman ipinabatid ni Guevarra na walang CCTV footage na dumating sa bansa si Marsalek at wala ring record ng anumang biyahe pa-China na nakatakda ng umaga ng June 24 mula sa Cebu.
Iniimbestigahan na aniya ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tauhan nilang naka assign sa management information system at mananagot ang posibleng dawit sa insidete para iligaw ang mga naghahabol kay Marsalek.
Samantala inimbitahan na ng NBI ang isang Atty. Mark Khristopher Tolentino para magpaliwanag sa umanoy pagkakasangkot niya sa kontrobersya sa Wirecard.
Sa Lunes, June 29 pinahaharap ng NBI si Tolentino na umanoy itinalagang trustee ng wirecard para magbukas ng anim na escrow account sa mga bangko sa Pilipinas ng pera ng kumpanya na nasa 1.9 billion euros o 2.1 billion dollars.
Inihayag naman ni Tolentino na na frame up lamang siya at biktima ng identity theft.