Binawasan na ng 15 percent ang withholding tax para sa tax refund ng mga consumers ng Manila Electric Company o Meralco.
Ito ang inihayag ng Department of Finance o DOF matapos aprubahan ni Secretary Carlos Dominguez ang revenue regulation na gawing 15 porsyento ang creditable withholding tax sa nasabing refund mula sa dating 25 para sa mayroong active contracts at 32 percent naman para sa terminated contracts.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN ay magpapatupad ang pamahalaan ng expanded value added tax base par makakalap ng sapat na tax revenue samantalang babawasan naman ang income tax na sinimula sa unang araw ng nakalipas na taon.
Tiniyak naman ng Meralco na agad silang susunod sa nasabing guideline ng DOF habang nagpapatuloy ang kanilang ipinatupad na refund.