Matagumpay na nasungkit ni Naomi Osaka ng Japan ang kampeonato sa women’s Australian Open Finals matapos gapihin sa three sets ang Czech player na si Petra Kvitova, 7-6, 5-7, 6-4.
Dahil dito, si Osaka na ang number 1 player sa nabanggit na tennis tournament.
Ika-limampu’t siyam na winning streak na ni Naomi ang nakuha nitong panalo sa first set.
Pinataob ni Osaka ang world’s no. 6 two-time Wimbledon champion na si Kvitova.
Dati namang kampeon ng us open ang 21-anyos na Japanese player at ang pinakabatang world champion mula noong 2010.
Mabilis na naging superstar si Osaka makaraang talunin din nito ang tennis legend ng Estados Unidos na si Serena Williams.
Words can’t describe this feeling. pic.twitter.com/MUMtR5stV1
— NaomiOsaka大坂なおみ (@Naomi_Osaka_) January 26, 2019