Bigong manalo ang koponan ng Pilipinas sa unang laban nito sa ginaganap na ASEAN Football Federation (AFF) U18 Women’s Championship sa Palembang, Indonesia.
Ito ay matapos isara ng koponan ng Australia ang laro sa iskor na four-zero.
Sa kabila nito, positibo pa rin ang koponan ng mga Pinay na makakaabot sila sa knockout phase ng naturang kompetisyon.
Samantala, nakatakda namang makaharap ng Team Pilipinas sa Group B ang Myanmar bukas.