Laya na ang kilalang women’s rights activist sa Saudi Arabia na si Loujain Al-Hathloul.
Isa ang 31-anyos na si Hathloul sa nagsulong nang pagmamaneho ng sasakyan ng mga kababaihan sa nasabing bansa.
Ikinulong si Hathloul noong 2018, ilang linggo matapos tanggalin ng Saudi Arabia ang pagbabawal sa mga kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
Si Hathloul na napatunayang guilty sa tangkang pagpalit ng political system ng nasabing bansa, ay hinatulang makulong ng anim na taon sa maximum security prison subalit dalawang taon at 10 buwan na lamang ang aktuwal ang paghimas-rehas ng aktibista.
Binalaan si Hathloul ng kanyang pamilya sa mahigpit na sitwasyon matapos makalaya dahil sa probation kabilang na ang limang taong travel ban.