Naniniwala ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na may basbas umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Bayan Secretary-General Renato Reyes, isang patunay nito ang buwelta ni Pangulong Duterte kay Sereno bago magtungo ang punong ehekutibo sa china.
Dapat anyang pa-alalahanan ang Pangulo na ang kanyang pagiging kaaway ay hindi batayan para sa isang impeachment o pagpapatalsik sa pwesto.
Ipinunto ni Reyes na ang panibagong patutsada ng Pangulo ay indikasyon na hindi tumatanggap ng batikos ang kanyang administrasyon.