Lalo pang umiinit ang word war sa pagitan nila Presidential Spokesman Edwin Lacierda at Senador Francis Escudero.
May kinalaman ito sa paglalabas ng impormasyon ni Escudero hinggil sa naging pakikipagpulong Pangulong Noynoy Aquino sa kanila nila Interior Secretary Mar Roxas at Senadora Grace Poe.
Kahapon, pinasaringan ni Lacierda si Escudero kung saan, sinabi nito na ang Pangulo lamang ang may karapatang magsalita sa nilalaman ng kaniyang naging pulong sa tatlo at kailangan itong ituring na isang pribilehiyo ng senador at huwag idaldal sa publiko.
Buwelta naman ni Escudero, dapat ding magpaalam ni Lacierda sa Pangulo bago ito magsalita sa publiko hinggil sa usapin.
Nilinaw din ni Escudero na nagpaalam siya sa Pangulo kung ano ang dapat isagot sa publiko kapag natanong siya at naging tugon naman ng Pangulo ay sabihin ang katotohanan.
By Jaymark Dagala