Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang “Work From Home” para sa mga pribadong sektor.
Sa botong 239 na pumabor, walang tumutol, lumusot ang House Bill No. 7402 o ang Telecommunicating Act.
Layon nito na payagan ang mga empleyado sa pribadong sektor na makapag trabaho sa labas ng opisina sa gamit ang telecommunication o computer technologies.
Pangungunahan ng Department of Labor and Employment ang pagsasagawa ng telecommunicating program sa ilang pribadong kumpanya na tatagal sa loob ng tatlong taon.
Kapag naging batas na, maaari ng isailalim sa nasabing programa ang mga empleyadong nais magtrabaho sa bahay o sa labas ng kanilang opisina.