Muling nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III sa pribadong sektor na ikunsidera ang pagpapatupad ng mga alternatibong working arrangement hangga’t maaari.
Sa harap ito ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular sa metro manila at banta ng Omicron variant.
Ayon kay Duque, ang pagkakaroon ng alternatibong paraan ng pagtatrabaho ang isa sa mga naging solusyon noong unang bugso ng COVID-19 pandemic upang mabawasan o mapabagal ang hawaan ng sakit.