Naglunsad ng work from home station ang ilang lugar sa Visayas kabilang na ang Mandaue, Lapu-Lapu at Talisay maging ang bayan ng Consolacion at Liloan sa Cebu City.
Layunin nitong matulungan ang mga residenteng wala paring kuryente kung saan, patuloy paring naapektuhan ang kanilang trabaho dahil sa nagdaang bagyo.
Ayon sa lokal na pamahalaan sa lugar, libre ang kuryente at internet sa mga residenteng apektado ng bagyong odette.
Kailangan lamang ipakita ang katunayan na ikaw ay nasailalim ng work from home set up katulad na lamang ng company id at certification habang sa mga free lancer, kailangang magpakita ng proof of work.
Sa ngayon, naibalik na ang 300,392 sa 474,182 na apektadong consumer sa Visayas. –Sa panulat ni Angelica Doctolero