May inihahanda nang work program ang Department of Labor and Employment o DOLE para sa mga evacuees na apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Ayon kay DOLE Bicol Spokesperson Raymond Escalante, nasa proseso na sila ng profiling para sa mga evacuees na magiging benepisyaryo ng kanilang emergency employment program.
Layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng tatlong libong (3,000) target beneficiaries na susuwelduhan ng 290 pesos na minimum wage.
Matatandaang sa simula pa lamang ng pag-aalburoto ng bulkan ay nilikha na ng ahensya ang DOLE Bicol Rapid Emergency Assistance for Mayon o DREAM Team.
—-