Patuloy ang paglala ng kalidad ng trabaho sa bansa sa kabila ng pagmamalaki ng gobyerno na dumami ang job opportunities.
Base sa pag-aaral ng grupong Ibon foundation, bagsak ang work quality sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Nasa 34.3 percent ng lahat ng may trabaho ay self-employed at unpaid family worker.
Tinaya sa 544,000 informal jobs ang nalikha sa unang first quarter ng taon subalit 137,000 ang nawala habang nasa 12 milyong Filipino naman ang part-time worker.
Lumabas din sa pag-aaral na tumaas ang underemployment ng 20.8 percent nitong Hulyo 2015 kumpara sa 18.3 percent sa kaparehong panahon noong isang taon.
Samantala, halos isang milyon naman ang underemployed at tinaya sa 1.5 milyon ang part-time worker simula pa ng manungkulan si Pangulong Aquino.
By Drew Nacino