Posibleng madagdagan ang workforce sa darating na school year, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Aniya, mas makakapag-hanap buhay ang mga magulang kapag nakabalik na ng eskuwelahan ang kanilang mga anak at mas marami nang opsyon sa pagpili ng trabaho.
Dagdag pa ng punong ehekutibo, hindi lang balik-eskuwela ang matagumpay na maisasagawa kundi pati na rin ang pagbabalik ng mga negosyo na maaaring makatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Matatandaang sobrang naapektuhan ang ekonomiya ng bansa bunsod ng pagsasara ng mga negosyo noong kasagsagan ng lockdowns dahil sa pandemya.
Samantala, pinaghahanda rin ng pangulo ang mga transport sector sa pagpapatupad ng minimum safety standards para sa mga mag-aaral na magcocommute sa darating na pasukan. - sa panulat ni Hannah Oledan