Isinusulong ngayon sa Kamara ang resolusyong nag-aatas na imbestigahan ang kasalukuyang working conditions ng mga online platform-based delivery.
Sa House Resolution 1974 na inihain ni TUCP Party List Representative Raymond Mendoza, hinihikayat nito na silipin ang kalagayan ng mga riders at tukuyin kung napapanatili ba ang employer-employee relationship sa pagitan ng mga rider at online platform na kinabibilangan ng mga ito.
Layon ng imbestigasyon na sakupin ang mga online deliveries gaya ng Foodpanda, Grab, Angkas, Lalamove at iba pang region-based provinces.
Ang hakbang na ito ay nag-ugat matapos mapaulat ang pagkakasuspinde ng ilang deliver riders sa Davao City dahil sa partisipasyon ng mga ito sa isang unity ride para suportahan ang ibang riders na nasuspinde at nawalan ng access sa mobile app ng 10 taon.