Ipinagmalaki ng Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos, Jr ang 6 na araw niyang working visit sa Estados Unidos.
Sinabi ng pangulo na masaya siya sa naging partisipasyon nya sa United Nations General Assembly at iba pang mga aktibidad na may kaugnayan sa paghimok sa mga negosyante para mamuhunan sa bansa na aniya’y ramdam niya ang positibong tugon dito.
Naniniwala ang pangulo na maayos niyang nailatag sa us investors ang mga hakbangin ng gobyerno para sa magandang pagne negosyo sa bansa tulad ng ease of doing business gayundin ang digitalization.
Bahagi rin aniya ng matagumpay nyang pagbisita sa Amerika ang malinaw na mensahe ng pagkakaisa sa UNGA at maging ang isinagawang bell ringing sa new york stock exchange.
Ayon pa kay PBBM ..kasama rin sa tagumpay ng kanyang us working visit ang pakikipag pulong sa world leaders sa pangunguna ni US President Joe Biden gayundin kina Japanese Prime Minister Fumio Kishida, French President Emmanuel Macron, King Hussein ng Jordan at Dating British Prime Minister Tony Blair.
Inaasahang balik Pinas ang Pangulong Marcos at kanyang delegasyon ngayong weekend.