Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na gawing vaccination sites ang workplaces upang mas mapadali ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa mga empleyado.
Ito ang inihayag ni DOLE Undersecretary Benjo Santos Benavidez sa gitna ng pilot run ng “Resbakuna sa Botika” sa Metro Manila.
Ayon kay Santos, layunin nilang gawing mas accessible ang mga bakuna sa mga manggagawa kaya’t dadalhin na nila ito sa mismong workplaces tulad ng vaccination sa mga botika.
Sinimulan ang resbakuna sa botika sa pitong piling drugstores at klinika kung saan target makapagturok ng 3,500 primary at booster doses simula kahapon hanggang ngayong araw.
Kabilang sa mga pharmacies at klinika sa Metro Manila na bahagi ng programa ang the Generics Pharmacy, Generika Drugstore, Mercury Drug, Southstar Drug, Watsons, Healthway at Qualimed Clinic.