Nagpaalala ang pamunuan ng Department of Education (DEPED) sa mga magulang na ‘wag sagutan ang mga work sheets o mga takdang aralin ng kani-kanilang mga anak kasabay ng bagong sistema ng edukasyon dahil sa pandemya.
Ani Education Undersecretary Tonisito Umali, mahalaga ang gagampanang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak para maka-adapt sa bagong sistema ng pag-aaral, pero hindi naman ito nangangahulugang sila na ang sasagot sa mga ibibigay na mga tanong o gawain ng kanilang mga guro.
Pagdidiin pa ni Umali, ang tamang paggabay na dapat gawin ng mga magulang, ay pagsisigurong epektibong matututo ang kanilang mga anak kahit pa bagong sistema ng ang pagtuturo.
Mababatid ani Umali, na sumailalim naman ang mga magulang sa orientation kung papaano nila epektibong magagabayan ang mga anak, gayundin ang mga pamunuan ng paaralan kung paano matitiyak na natututo at naiintindihan ng mga estudyante ang kanilang mga inaaral.