Maglalabas ng paunang US$12-bilyon ang World Bank bilang ayuda sa mga bansang patuloy na lumalaban sa health at economic impact ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni World Bank President David Malpass na marami pang hindi natutuklasan tungkol sa COVID-19 kaya’t mas malaking aid o pondo pa ang kakailanganin dito.
Nangangamba ang World Bank dahil sa mabilis na pagkalat ng virus na nakakaapekto na mahigit 80 bansa.