Humihingi ng audit sa Pilipinas ang World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB), para sa disbursement ng mga pautang na ipinaabot sa gobyerno, upang tustusan ang pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ang WB, ADB at Beijing-based na Asian Infrastructure Investment Bank, ang nagpaabot ng kabuuang isa punto dalawang bilyong dolyar o halos 38 bilyong piso, para suportahan ang Pilipinas sa pagbili nito ng mga bakuna.
Ayon kay Gamaliel Cordoba, Chairman ng Commission on Audit (COA), gagamitin nila ang lahat ng kapangyarihan ng komisyon, para pilitin ang Department of Health (DOH) na buksan ang mga libro nito para sa isang special audit.
Nabatid na una kasing sinabi ni dating Health Secretary Francisco Duque III, na hindi nila maaaring ibigay ang mga kinakailangan na dokumento dahil sa non-disclosure agreement na mayroon ang ahensya sa iba’t ibang mga supplier ng bakuna.