Malaki ang posibilidad na mabawasan ng 10 porsiyento sa kauna-unahang pagkakataon ang bilang ng mga mahihirap sa buong mundo ngayong taon.
Ito’y ayon sa World Bank kasabay na rin ng ginawang pagbabago sa sukatan ng pagtuklas sa lawak ng problema sa kahirapan.
Sinasabing nabubuhay sa extreme poverty o labis na kahirapan ang mga taong kumikita lamang ng $1.25 kada araw o mas mababa pa rito.
Gayunman, inilagay na ngayon ang poverty line sa $1.90 per day.
Sa pagtaya ng World Bank, babagsak ng 9.6 percent o mahigit 700 milyong tao ang nabubuhay sa labis na kahirapan ngayong 2015 na mas mababa kumpara sa mahigit 900 milyong tao noong 2012.
Ang pagsadsad ng bilang ng mga nagugutom at mahihirap sa buong mundo ay bunsod umano ng pagtatag ng ekonomiya ng mga bansa at paglalagak ng pondo sa sektor ng edukasyon, kalusugan, at iba pa.
By Jelbert Perdez