Aabot sa 400 milyong dolyar o katumbas ng mahigit 20 bilyong piso ang ipapahiram ng World Bank sa Pilipinas para makarekober sa epektong dulot ng COVID-19.
Batay sa Development Policy Loan (DPL), binubuo ito ng 11 upcoming loans na nagkakahalaga ng 1.93 bilyong dolyar.
Kasama sa ibang loan ang Mindanao Transport Connectivity Improvement Project; Financial Sector Reform Development Policy Financing; Fisheries and Coastal Resiliency Project; Multisectoral Nutrition Project; at Sustainable, Inclusive at Resilient Tourism Project.
Habang kasama rin dito ang paparating na Agus-Pulangi Hydropower Complex Rehabilitation Project 1; Teacher Competitiveness and Competencies Enhancement Project; Alternative Learning System Project; Digital Transformation Project; at Mindanao Inclusive Agriculture Development Project.