Nangako ang World Bank na magbibigay ng ayuda sa pamahalaan sa isasagawang rehabilitasyon sa Marawi City.
Ito ay matapos na ideklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang syudad mula sa terorismo.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, handa ang World Bank na magbigay ng technical aid at iba pang uri ng tulong para makabangon ang naturang syudad.
Kinakailangan aniya ang expertise ng World Bank pagdating sa rebulding ng mga lugar na nasira ng giyera lalo’t magiging mahirap para sa gobyerno ang pagsasaayos sa naturang malawak na syudad.
—-