Idinepensa ng Malakaniyang ang pagkuha nito sa serbisyo ng premyadong Direktor na si Brillante Mendoza
Ito’y para tumulong sa gagawing produksyon ng kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 25.
Binigyang diin ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar, Pro Bono o libre ang serbisyong ibibigay ni Mendoza kaya’t walang dapat alalahanin hinggil sa gastusin ng gubyerno
Boluntaryo at hindi rin pinilit si Mendoza para magbigay ng kaniyang serbisyo dahil hangad din nito na maging maganda ang produksyon ng unang SONA ng Pangulo
Batid naman ng lahat na hindi matatawaran at pang-world class ang kakayahan ni Mendoza kaya’t nakiusap si Andanar sa publiko lalo na sa mga kritiko na huwag nang bigyang kulay ang usapin
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping