Libu-libong mananampalatayang Katoliko ang inaasahang dadalo sa gaganaping World Day of Prayer for The Care of Creation sa Rizal Park bukas, Setyembre 1.
Layon ng naturang okasyon na hikayatin ang mga taong manalangin, mamuhay ng simple at magkaisa para ingatan ang kalikasan.
Magiging highlight ng naturang event ang Holy Eucharist na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Pinayuhan din ang mga dadalo na ang nasabing event ay zero waste kaya’t ang mga basura ay dapat na itapon sa tamang lalagyan.
Ang gaganaping World Day of Prayer for the Care of Creation ay sinimulan ni Pope Francis noong 2015 na siya namang panimulang program para sa season of creation.
By Rianne Briones