Iba’t ibang reaksyon ang ipinahayag ng ilang lider at envoy mula sa iba’t ibang bansa, matapos i-assasinate ang dating Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe sa gitna ng pangangampanya nito kahapon.
Kabilang sa mga hindi makapaniwala sina German foreign Minister Annalena Baerbock, Thailand’s “Prime Minister Prayut Chan-o-Cha, Australian Prime Minister Anthony Albanese, British Prime Minister Boris Johnson, European Council President Charles Michel at ang Chinese Foreign Ministry.
Hindi naman mapigilang malungkot at magdasal nina Malaysian Foreign Minister Saifuddin Abdullah at US Secretary of State Antony Blinken dahil sa sinapit ng dating opisyal.
Para naman kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, isang mabuting kaibigan si Abe kaya hindi dapat indahin ang pagpanaw nito.
Samantala, concern at pagkondena ang ipinahayag ng French Embassy sa Japan, Russian Embassy at ni Indian Prime Minister Narendra Modi kasunod ng pagkasawi ni Abe.
Kahapon, nagdaos ng isang minutong katahimikan ang buong United Nations Security Council para sa namayapang dating Prime Minister ng Japan.