Libu-libong katao ang lumahok sa isinagawang World Naked Bike Ride sa Mexico at London nito lamang Sabado at Linggo.
Tampok sa nasabing annual event ang mga siklistang may mga slogan sa kanilang mga katawan gamit ang mga pintura.
May ilan ding nagbudbod ng glitters sa kanilang katawan na may layuning mabigyan sila ng karapatan sa pagbibisikleta at maipakita ang panganib sa kanilang buhay habang nasa lansangan.
Ang nasabing aktibidad ay 18 taon nang isinasagawa na sinimulan taong 2004 kung saan, bukod sa dalawang nabanggit na bansa, nakilahok din ang Buenos Aires, Melbourne, Vienna, Sao Paolo, Vancouver, Copenhagen, Paris, Thessaloniki, Tel Aviv at Tokyo.