Tumaas ang world ranking ni Filipina Japanese Golf Player Yuka Saso.
Malaking tulong ang pagiging kampeon ni Saso sa 76th US Women’s Open sa San Francisco, USA para umakyat ito sa ika-8 puwesto sa Rolex world ranking.
Ang 19 anyos na si Saso ang kauna-unang Pinay na nagkampeon sa naturang torneo bukod pa sa nahigitan niya si Hyo Joo Kim ng Korea matapos magwagi sa LPGA Mediheal Championship.
Bukod kina Saso at Kim wala namang pagbabago sa top 10 sa world rankings na pinangungunahan ni Jin Yong Ko.