Bumaba ng tatlong pwesto ang ranggo ng Philippine Azkals sa pinakahuling rankings ng FIFA.
Sa inilabas na November rankings ng FIFA, mula sa 134th place noong nakaraang buwan, bumaba ito sa ika-130 puwesto.
Habang nasa number one spot ang Belgium.
Sa kabila nito, nangunguna pa rin ang Azkals sa hanay ng Southeast Asian Region, na sinundan ng Thailand sa ika-144 na pwesto.
Nakatakda namang makaharap ng Philippine football team ang koponan ng Yemen sa susunod na linggo sa pagpapatuloy ng FIFA World Cup Qualifying Match.
By Meann Tanbio