Umakyat na sa ika 43 puwesto ang men’s team ng Pilipinas na lumalahok sa 42nd Chess Olympiad sa Baku, Azerbaija
Kasunod ito nang pag lampaso ng mga Pinoy sa national team ng Coasta Rica
Nanguna sa panalo ng Pilipinas, seeded 53 sa prestiyosong torneo sa board 1 si Grandmaster John Paul Gomez laban kay international master Sergio Minero Pineda gayundin ang sumunod na nanalo sa board 3 na si GM Rogelio Barcenilla kontra kay IM Leonardo Valdes Romero at board 4 naman si IM Paulo Bersamina
Nagawa namang maitabla sa board 2 ni GM Eugene Torre ang laro sa mas malakas na Coasta Rican GM na si Bernal Gonzalez Acosta
Tanging ang Asia’s First Grandmaster na nasa kaniyang record 23rd Olympiad na si Torre ang wala pang talo sa team na meron nang 3. 5 points samantalang ang top board player ng bansa na si GM Julio Catalino Sadorra ay muling nagpahinga sa round 4 kung saan mayruon na rin siyang isang talo
Sunod na makakaharap ng Pilipinas ang ranked 56 na South Africa sa round 5
By: Judith Larino