Sanib-puwersang gugunitain ng iba’t ibang kinauukulang ahensya ang World Toilet Day ngayong araw, ika-19 ng Nobyembre, taong 2019 sa Baseco, Tondo Manila.
Pangungunahan ng Department of Health (DOH), UNICEF at Manila Local Government Unit ang taunang selebrasyon na may tema ngayong taon na ‘Toilets for All: Leaving No One Behind”.
Tinatayang dadaluhan ito ng 600 katao mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga katuwang na ahensya, miyembro ng komunidad at ng media.
Kasabay nito ay maglulunsad ng dalawang polisiya ang DOH (Guidelines on the Philippine Approach to Sustainable Sanitation at National Standards on the Design, Construction, Operation and Maintenance of Septic Tank Systems) kaugnay sa pagpapabuti ng lagay ng sanitation o kalinisan sa bansa.
Magiging sentro rin ng selebrasyon ang kahalagahan ng paggamit ng malinis na toilet o palikuran at ang ugaling pag-huhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran, maging tuwing bago kumain.
Samantala, ang World Toilet Day ay taunang ginugunita sa buong mundo upang palakasin ang kamalayan ng publiko hinggil sa mahalagang papel ng kalinisan sa pagpapababa ng kaso ng mga sakit at pagkakaroon ng mas malusog at malinis na komunidad.