Ibinabala ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang pagsiklab ng World War 3 sa oras na mabigo ang negosasyon sa pagitan nila ni Russian President Vladimir Putin.
Ayon kay Zelenskyy, sa katunayan ay dalawang taon na niyang pinaghandaan ang negosasyon kay Putin upang matuldukan na ang digmaan.
Kung hindi anya sila magkakasundo ay tiyak na marami pang buhay, partikular ng mga sibilyan, ang malalagas.
Samantala, tumanggi ang Ukraine na isuko sa Russian Forces ang lungsod ng Mariupol, indikasyon nang muling pagsiklab ng panibagong serye ng bakbakan.