Bumagsak ang isang World War II plane sa Cocoa beach sa Florida.
Kabilang ang eroplano sa isang air-show ngunit nagkaroon ng problema na nauwi sa emergency landing.
Ayon sa mga otoridad, plano ng piloto ng eroplano na maglanding malapit sa Patrick space force base kung saan nagaganap ang air show.
Ngunit upang hidni makapinsala ng gusali napagdesisyunan nito na sa dagat na lamang maglanding.
Samantala, wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa dagat kung saan puno ng tao ang dagat.—sa panulat ni Rashid Locsin