Sumakabilang buhay na ang pinakamatandang lalaki sa buong mundo.
Si Yasutaro Koide ay namatay sa edad na 112 sa isang ospital sa Nagoya, Japan.
Ang nasabing Japanese national na ipinanganak, ilang buwan bago ang matagumpay na flight ng Wright Brothers ay namatay dahil sa heart failure at pneumonia.
Si Koide na isang dating mananahi at ipinanganak noong March 13, 1903 sa Fukui Prefecture ay binigyan ng certification ng Guinness World Records bilang pinakamatandang lalaki sa mundo matapos mamatay ang isa pang Japanese national na mas matanda sa kaniya ng isang buwan.
Ang Amerikanang si Susannah Mushatt jones na 116 years old na ayon sa Guinness World Records website ang pinakamatandang tao sa buong mundo.
By Judith Larino