Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police o PNP sa mga Lokal na Pamahalaang tatamaan ng hagupit ng bagyong Odette.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ay bilang paghahanda sa worst case scenario dahil sa matinding pinsalang dulot ng bagyo Ayon kay Carlos, naka-alerto na ang PNP sa pagkakasa ng rescue operations lalo’t inaasahang matindi at malawak ang sakop ng mga maaapektuhan ng nagbabadyang sakuna.
Naka-antabay na rin aniya ang kanilang standby force para sa anumang pangangailangan lalo na ang evacuation efforts at rescue sa mga nasa hazard prone areas.
Dagdag pa ng PNP Chief, mainam na magkaisa upang hindi maging malala ang aasahang epekto ng bagyong Odette partikular na sa silangang bahagi ng bansa. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)