Itinanggi ng Philippine Broadcasting Service (PBS) na pagmamay-ari ng Radyo Pilipinas na nagpo-promote ng umano’y Chinese propaganda ang kanilang programang “Wow China”
Ito’y matapos umani ng batikos ang naturang programa na umi-ere na sa Radyo Pilipinas nuon pang 2018.
Batay sa inilabas na pahaya ng PBS, tampok sa naturang programa ang tradisyon, kultura, at kasaysayan ng Pilipinas at China.
Tinatalakay din umano rito ang pagkakapareha at pagkakaiba ng dalawang bansa.
Iginiit nito na layon lamang ng programa na makapag bigay ng impormasyon at makapag entertain at hindi ang mag promote ng anomang partikular na pananaw hinggil sa pulitika.