Tinapos na ng Department of Justice ang provisional Witness Protection Program (WPP) coverage sa umano’y pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.
Matatandaan na humiling sa Napoles na maisailalim sa WPP ng pamahalaan dahil sa mga natatanggap na banta sa buhay nito, partikular ay upang mailipat ang kanyang selda sa Camp Bagong Diwa. Noong Pebrero rin ay inaprubahan ng DOJ ang kahilingan nito na may saklaw lamang ng hanggang 90 na araw o tatlong buwan.
Nang makita na wala namang banta na tuluyang magpapahamak kay Napoles, nagdesisyon na ang kasalukuyang kalihim ng DOJ na si Sec. Menardo Guevarra na tanggalin na sa WPP ang itinuturong pork barrel scam queen.