Ibinunyag ng National Security Council o NSC mayroon pa ring Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Sa budget deliberations sa kamara, kinumpirma ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na nasa 150 pang barko ng China ang nananatili sa pinag-aagawang karagatan.
Si Biazon ang sponsor ng 2022 proposed budget ng NSC, na kanyang dinepensahan sa isinagawang interpelasyon ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas.
Ayon sa kinatawan ng lungsod, umaaligid ang mga Chinese maritime vessels at nangingisda pero binabantayan naman sila ng Philippine Coast Guard at navy.
Bagaman tinatawag na maritime militia, wala anyang nakikitang armas mula sa mga nasabing barko na pawang civilian vessel.
Inihayag din ni Biazon na inirekomenda ng NSC ang deployment ng mga Filipino civilian vessel bilang patunay sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.—sa panulat ni Drew Nacino