Nag-alay ng misa at mga bulaklak ang MIAA o Manila International Airport Authority bilang pag-alala sa araw ng kamatayan ni dating Senador Ninoy Aquino.
Isang misa muna ang isinagawa sa ramp area ng NAIA Terminal 1 bago ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Ninoy.
Inalayan rin ng bulaklak ang isa pang monumento ni Ninoy na nasa NAIA Terminal 3.
Matatandaan na pinatay si Ninoy habang pababa ng eroplano sa tarmac ng NAIA terminal 1 noong August 21, 1983.
Ito ang naging mitsa ng sunod-sunod na pagkilos laban sa administrasyon noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nauwi sa EDSA People Power Revolution noong 1986 na nagpatalsik kay Marcos sa puwesto.
By Len Aguirre | Photo Credit: Raoul Esperas