Natagpuan na ang wreckage ng Egypt Air Jet na nag-crash sa bahagi ng Mediterranean Sea noong isang buwan.
Puspusan na sa paghahagilap ng black box ang search vessel na John Lethbridge na pag-aari ng deep ocean search na kinontrata ng Egyptian government.
Ang black box na naglalaman ng flight data recorder ang makapagsasabi kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng Egyptair Flight MS804 na ikinasawi ng 66 katao.
Kailangan matunton ang data recorder bago tuluyan itong mag-expire sa June 24.
Samantala, hindi pa mabatid kung anong bahagi ng eroplano ang natagpuan ng search vessel.
By: Drew Nacino