Muling nakapagtala ng positibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Wuhan City sa China matapos ang mahigit isang buwan.
Batay sa ulat ng National Health Commission, nakapagtala sila ng 14 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 kahapon, Mayo 9 kabilang na ang mula sa Wuhan City.
Ito na rin ang pinakamataas na naitalang bilang ng kaso simula noong Abril 28.
Ayon sa National Health Commission, unang naging asymptomatic o hindi nakitaan ng anumang sintomas ang natukoy na bagong kaso ng COVID-19 sa Wuhan.
Samantala, naitala naman ang labing isang bagong kaso sa Shulan City na pawang miyembro ng iisang pamilya.
Habang ang dalawa pang bagong kaso ay tinukoy bilang imported infections o mga nanggaling sa ibang bansa na apektado rin ng COVID-19.