Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga dayuhang opisyal ng ‘Wunder’ na nag-ooperate sa Pilipinas nang walang basbas ng LTFRB.
Ayon kay LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada, handa silang ipalagay sa watchlist ng Bureau of Immigration o BI para alamin ang estado ng mga dayuhang opisyal ng Wunder na ngayon ay nasa Bantayan Island at naka-check in sa Waterfront Hotel sa Cebu.
Nakatakda rin anya silang sumulat sa Securities and Exchange Commission o SEC para ipasuri ang mga papeles ng Wunder.
Binigyang diin ni Lizada na hindi nakatataas sa batas ang Wunder kaya’t kailangan pa rin nilang humingi ng accreditation sa LTFRB bago makapag-negosyo sa Pilipinas.
Ang Wunder ang isa sa pinakabagong application based na uri ng transportasyon sa Pilipinas katulad ng sa Uber at Grab.
—-